Sama ng panahon tinututukan ng PAGASA

ISANG panibagong low pressure area ang tinututukan ngayon ng State weather forecasters na inaasahang papasok sa bansa bukas, Nobyembre 5.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Mario Palafox base sa kanilang modelo, ipinakikita na maliit lamang ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA.

“Inaasahan nating pwede itong mabuo at pumasok sa Philippine area of responsibility by Saturday. Sa ngayon di natin inaasahang maging bagyo ito,” ayon kay Palafox.

sakali aniyang maging bagyo habang nasa teritoryo na ng Pilipinas ay papangalanan nila itong “Sendong.”

Samantala sinabi ng  PAGASA na magdudulot aniya ng mga pag-uulan ang inter-tropical convergence zone sa bahagi ng Luzon at Visayas na maaaring magresulta sa pagbaha at landslides sa Central at Southern Luzon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply