Samu’t saring kaganapan

MAGANDANG balita sa mga motorista at bumibiyahe sa South Luzon, Expressway. Ayon sa mga pinakahuling kaganapan, inihayag ng mga taga-Tollways Regulatory Board na walang mangyayaring pagtataas sa toll fees hanggang sa pagtatapos ng taong 2011. Magandang pamasko na rin ito sa mga mananakay na publiko lalo na’t nalalapit ang Kapaskuhan, di po ba?

o0o

BUKAS, ang pangatlong Linggo ng 4-week Bar examinations. Ayon sa ilang Bar examinees, bahagyang gumaan sa kanila ang bagong sistema ng eksaminasyon na multiple choice. Ngayong araw ng Linggo, dalawang topic – Taxation at Criminal Law ang bubunuin nila. Wala na rin ang hussle dahil sa bukod sa magandang atmosphere sa University of Santo Tomas na kung saan idinaraos ang examinations ay tahimik at maganda ang kapaligiran sa pinakamatandang pamantasan ng bansa.

o0o

HABANG papalapit ang Kapaskuhan ay tila lumalala naman ang mga petty crimes tulad ng laganap na holdapan sa Metro Manila. Tila nagpapabaya ang mga tauhan ni Philippine National Police Director General Nic Bartolome dahil sa kaliwa’t kanan na insidente ng holdapan. Maging ang riding-in-tandem ay patuloy sa pagdami sa kabila ng mahigpit na kautusan na lipulin ito sa lalong madaling panahon.

o0o

TAGUMPAY ang idinaraos na Advertising Congress sa CamSur kung saan naipapakita ng mga namumuno sa advertising sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na maisulong ang industriya natin sa advertising. Nakatakdang matapos bukas, araw ng Lunes, ang Ad Congress na kung saan ang iba’t ibang advertising firms at mga taga-media ay nagkakaisa sa kaganapang ito.

o0o

MARAMING hamunan sa tangkang impeachment laban kay PNoy Aquino III ang lumutang kesyo may magpapaputol pa ng “balls” na walang maganap na impeachment kung meron naman ay hindi susulong sa kabila ng kapalpakan ng ilang tauhan ni PNoy. Dangan kasi ay alam ni Cong. Boyet Gonzales na lamang ang kanilang grupo kaya walang mangyayaring banta sa kinalalagyan ni Pangulong Noynoy Aquino.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply