Sanggol patay, 4 sugatan sa road mishap

HALOS madurog ang isang anim na buwang gulang pa lamang na sanggol habang nasa malubhang kalagayan naman ang apat pang katao matapos salpukin ang sinasakyan nilang tricycle sa Pangasinan.

Namatay noon din ang sanggol na si Roselito Odugan habang malubha namang nasugatan sina Olivia Odugan, Maricris Arasa, 18, Anthony Arasa, 10, at Bernardino Arasa, 19, pawang residente ng Barangay Ibida, Bolinao, Pangasinan.

Agad namang inaresto ang driver ng ford na nakabangga sa sinasakyang tricycle ng mga biktima habang binabagtas nila ang national highway sa bayan ng Bolinao na si Agusto Natividad, residente ng Quezon City.

Si Natividad ay kasalukuyan nang nakakulong sa Bolinao PNP habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply