Sanggol todas sa yakap ng tatay na may sayad

HINIHINALANG sadyang pinatay ng isang ama na may sakit sa pag-iisip ang kanyang isang taong gulang na anak na lalaki sa Pangasinan sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek sa pagpatay sa kanyang sariling anak na si Alberto Pesodas, 44, mangingisda at residente ng Sitio Sabangan, Barangay  Cato, bayan ng Infantas, nabanggit na lalawigan.

Sa pagsisiyasat ng Infanta PNP, niyapos ng mahigpit ng ama ang biktimang si Aldrean Pesodas hanggang sa hindi na makahinga at tuluyang namatay.

Walang makitang dahilan ang mga imbestigador kung bakit naisip ng lalaki na kitlin ang sariling anak bukod sa kahirapan ng buhay.

Nabatid pa na sinasabing may problema ito sa pag-iisip ang suspek na agad namang inaresto ng awtoridad at nahaharap sa kasong parricide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply