Sapilitang Christmas contribution bawal

MARIING binalaan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro kaugnay sa sapilitang paghingi ng kontribusyon sa mga estudyante para sa Christmas party.

Ayon kay DepEd Alternative Learning System Division Chief Dr. Virginia Silvestre, nakasaad sa DepEd Order 19-2008 o “No Collection Policy” ang anumang paniningil para sa Christmas party.

Hindi umano dapat puwersahin ng mga guro at maging ng Parent-Teacher Association (PTA) ang mga magulang ng estudyante na magbigay ng pera para lang sa isang magarbong party.

Paalala pa nito sa mga guro, dapat ding sundin ng mga ito ang isinasaad ng DepEd Order kaysa sa kahit anong desisyong inilabas ng PTA ng kanilang eskuwelahan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply