Sarah, Gerald magdyowa na???

Girlfriend na ba niya si Sarah G???
“’Wag naman nating madaliin, aabot tayo sa ganyan!”– Gerald Anderson

Si Gerald na ba???
“Naghahanap pa rin ng lalaking kaya akong ipaglaban!”– Sarah Geronimo

SINA Sarah at Gerald Anderson na ba? Very obvious kasi ‘yung mga kilos nila kapag magkasama.

Si Gerald ay nagba-blush kapag tinatanong tungkol sa kanila ni Sarah at hirap na hirap siyang sumagot. May time pa na pinagpapawisan ang young actor na ipinagtataka namin dahil kung tutuusin ay hindi naman mahirap ang mga question lalo pa nga’t sanay na rin naman siya sa showbiz.

Nang tanungin kasi kung ano ba ang nakapipigil sa kanya para ligawan si Sarah, halatang nahirapan si Gerald na sagutin.

“Hindi, ah, siguro po, ’yun nga, sinabi naman niya kanina na hindi pa siya ready. Kumbaga, ayaw ko rin pong… ano bang tawag du’n?
Kumbaga, pero siyempre, nasa stage rin ako ngayon na ’yun nga, nakaka-miss na, ang tagal ko ring walang girlfriend, malapit pang mag-Christmas, kaya minsan, sa mga eksena namin ni Sarah, kapag nasa loob ako ng eksena, for that moment, ’yun nga, pakiramdam ko, may girlfriend ulit ako.

“Pero ’yun nga, ’wag po nating madaliin, ’wag po nating pilitin. Sarah is a very beautiful girl inside and out kaya ‘yun nga, sobrang swerte na nakilala ko siya,” pahayag ni Gerald.

Nang tanungin naman si Sarah kung ano ang reaksyon niya sa sinabing ’yun ni Gerald, aniya, “Basta ako po, pinagdadasal ko talaga, kung sino ’yung…  (mamahalin ulit), sana hindi ko na pagdaanan, sabi ko nga, noon, gumawa talaga ako ng paraan para ipaglaban, eh.

“Sabi ko, the next time I’ll fall in love, I will make sure na mag-uumpisa sa kanya na ipaglalaban niya ako, hindi ’yung ako lang, ’yung akong babae lang ang naglalaban ng relasyon.

“Kailangan ko na po sigurong maging maingat, ’yon ’yung isang natutunan ko.”

Natanong tuloy kung kaya ba ’yun ni Gerald at natawa na lang ang young actor.

“Huwag n’yo namang i-pressure si Gerald,” say ni Sarah na natatawa rin.

Ang I Won’t Last a Day Without You ay follow-up sa very successful first movie nina Gerald at Sarah na Catch Me I’m In Love at say ng dalawang bida, mas close na raw sila ngayon kaysa noong una nilang ginawa ang movie.

Pabirong sabi ni Sarah kay Gerald, “noon kasi, hindi mo ako kinakausap.” Sagot naman ng young actor, “hindi mo kasi ako pinapansin noon.” Sagot naman ni Popstar, “hindi mo kasi ako kinakausap kaya hindi kita pinapansin.”

Showing na ang pelikula sa Nov. 30 mula sa direksyon ni Raz dela Torres. Kasama rin sa movie sina Joey de Leon, John Lapus, Martin del Rosario and Young JV.

***

SA HINABA-HABA raw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

Yes, pagkatapos ng mahabang panahong binitin tayo nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano sa kanilang relasyon, heto sa wakas, pareho na silang umaming sila na. Bigla nga kasing umamin si Luis Manzano sa interview ng, “Oo, kami na,” patungkol sa relasyon niya kay Jennylyn Mercado.

Komento tuloy ng isa naming kaibigan, hindi kaya hinintay lang ni Luis na umamin ang ex-GF niyang Angel Locsin tungkol sa relasyon naman nito kay Phil Younghusband?

Kamakailan kasi, sinabi na ni Angel na maligaya siya sa piling ng Azkal player.

Ayaw na naming bigyan ng ibang kahulugan ang pag-amin ni Luis sa real score nila ni Jen dahil nakatutuwang malaman na may bagong nagpapaligaya na kina Luis at Angel.

Kahit pa inamin na ni Luis na sila na ni Jen, tumanggi ang binata ni Gov. Vilma Santos-Recto na sabihin kung kailan naging sila.

Say ni Luis, naipakilala na rin naman daw niya si Jen sa kanyang ina, pero hirit ng host-actor, hindi pa raw gaanong nakakapag-bonding sina Ate Vi at Jen.

Ayon pa kay Luis, maging ang bestfriend at soulmate niyang si Anne Curtis, personal na rin daw nakilala ang kanyang girlfriend.

Simpleng “hi and hello” lang daw ang nangyari between Jen and Anne dahil may lakad sila ni Jen that time.

Pero sinabi raw ni Anne sa kanya, even before pormal niyang makilala si Jen, gusto ng Pinay-Australian actress na maka-bonding din si Jennylyn.

Maging ang Kapuso actress, nabanggit na rin sa isang interview na “mayroon na kaming parang formality. Basta kaming dalawa, formal na rin ’yung relationship namin,” patungkol naman kay Luis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply