Sarah Lahbati feel si Derrick Monasterio bilang BF

TUWIRANG sinabi ni Sarah Lahbati na puede niyang maging boyfriend si Derrick Monasterio. Kaya lang, may pasubali itong huwag daw muna ngayon dahil pareho pa silang busy sa kani-kanilang career, bukod pa sa pareho pa silang “young” para maging seryoso sa relasyon sa opposite sex.

Ngayon lang nag-bloom nang husto ang career ni Sarah. Siya ang title role sa “Kokak.” Medyo seksi na siya rito dahil magsusuot siya ng “magic kamison,” tapos, pag nabasa siya ay magiging palaka ang katauhan niya.

Ani Sarah: “Wala akong balak na makipagrelasyon sa ngayon. Sa future, malamang kung andyan pa rin si Derrick na umaaligid sa akin!”

Pero, may tsika kami sa isang malapit kay Derrick na mag-MU (mutual understanding) na ngayon sina Sarah at Derrick.

Kaya tama lang ang tinuran ni Sarah na in the future.

Dalawa ang leading men ni Sarah sa Kokak, sina JC Tiuseso at TJ Trinidad.

000

NA-INVITE ang Philippine Movie Press Club ng pamunuan ng Fontana park para maka-experience ng kakaibang atmosphere na malayo sa busy streets ng Metro Manila.

Sabi ng marketing officer na nag-asikaso sa amin na si Lai Valiente, naging guest nila ang pamilya ni Manny Pacquiao at nag-enjoy raw ang mga anak ni Pambansang Kasa kanilang bagong bukas na water parks na sadyang pambata ito dahil maraming hayop na mannequin ang nakapaligid.

Si Manny naman ay nag-enjoy sa swimming pool at golf course.

Dumating din si Derek Ramsay recently na kasama ang mga kaibigan para mag-enjoy sa kanilang swimming pool at golf course rin.

Habang nasa Fontana kami na binubuo ng 25 members ng PMPC, nakasagap kami ng sariwang hangin at kakaibang environment na akala mo’y nasa ibang bansa ka dahil super linis at ang bangu-bango ng buong facilities.

Pinatikim rin kami ng pagkain na kakaibang putahe na sadyang pang-five star hotel lang makikita at matitikman.

Superbabait din ng mga staff na laging nakangiti. Isang tawag mo lang ng iyong pangangailangan sa kuwarto, andiyan agad kahit kami’y nakatira sa malayong villa na kailangan pa ng service bus para makarating.

Mabilis ang kanilang serbisyo. Madaling makausap ang staff sa iyong mga pangangailangan.

Hindi kataka-taka na magkakaroon ng phase 2 ang Fontana na tatayuan ng mataas na hotel.

000

KAHIT hindi pa confirmed kung tuloy ang kasal na ni TJ Trinidad sa kanyang long time girlfriend next year, madalas nang magpahayag si TJ Trinidad na siya’y faithful lang sa isang babae.

Kahit sino ang i-partner kay TJ, walang anumang tsismis kang masasagap na nagsasabi na nakikipag-affair siya sa kanyang leading lady.

Basta lahat ay trabaho lang kay TJ. Kasi, pag nasa set siya’y tahimik lang siya. Laging nasa quarter niya at nagbabasa ng script, o kaya’y natutulog kung kailangang magpahinga dahil matagal pa ang kanyang take.

Simple siyang kausap kapag nasa set ngayon ng Kokak, ang latest project niya sa GMA-7 na kapartner si Sarah Lahbati.

Dahil isa siyang actor, hindi siya marunong mamili ng role. Kahit sino ang maka-partner ay okay lang sa kanya. Kahit pa sa kauna-unahang pagkakataon ay inilagay siya sa afternoon soap ay wala itong reklamo.

Aniya: “Trabaho lang ang lahat.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply