Sarino ok sa post office

UNA muna ay binabati natin ang pamunuan ng National Press Club na nagdiwang noong nakaraang Biyernes ng ika-59 na founding anniversary sa pangunguna ni Pangulong Jerry Yap at immediate past president Benny Antiporda, kasama na rin ang lahat ng mga opisyales ng ating samahan.

Mabuhay kayo, mga kuyang! Mga alamat kayo, ‘di ba Director Nats Taboy?

***
MUKHANG maganda ang patutunguhan ng Philippine Postal Corporation lalo at magagaling na tao ang inilagay ni Pang. Noynoy Aquino para mamuno rito para muling pasiglahin at paunlarin ang ahensiya.

Hindi matatawaran ang galing ni Postmaster General Josie de la Cruz na siyang gumiya sa Bulacan patungo sa kaunlaran noong panahon niya bilang gobernador sa lalawigan.

Matindi din ang track record ng bagong talagang Chairman of the Board na si Cesar N. Sarino, na itinuturing na tunay na ama nang Local Governmment Code.

Binabati ko rin pala si Director Mory Q. Sison at mga kasamahan niya na nahirang din ni Pangulong Noynoy para maging bagong miyembro ng Board of Directors ng Philpost.

Sila ngayon ang uugit ng direksyon na tatakbuhin ng Philpost. Galingan ninyo, mga bossing! Inaasahan kayo ng publiko at ng mga maliliit na empleyado nang Philpost.

Balikan natin si Mr. Sarino. Base sa record, siya ang binibigyang-credit sa paglikha at pagsulong ng batas sa local Government Code noong panahong siya ang Interior and Local Government Secretary sa ilalim ni dating Pangulong Cory Aquino.

Napatunayan din ang galing ni Sarino nang pamunuan niya ang Government Service Insurance System noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa ilalim ng pamumuno niya, naitayo ang GSIS headquarters building sa Pasay City na ang kalahati ay siyang ginagamit ngayon ng Senado.

Maliban pa dito ay unang narating ng GSIS ang P100 bilyon sa ilalim ng pamamahala ni Sarino.

Napag-uusapan na din lang si Sarino ay mahusay rin ang ginawa ni Pangulong Noynoy na siya ang piniling Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Postal Bank, ang  financial arm ng Philpost.

Bagamat maganda ang mga plano ni CNS ay mukhang kailangang magsagawa rin siya ng paglilinis sa Postal Bank sapagkat may mga tip na nakarating sa akin na ginawang palabigasan ng mga dating namumuno ang naturang bangko.

Isang paraan din iyon para magsimula nang tama ang bangko para maging isang malakas na player ito sa industiya.

Maraming mga pangkaraniwang empleyado ng Philpost at Postal Bank ang umaasa para magkaroon ng totoong reporma at pagbabago sa nasabing mga tanggapan sa ilalim ni Sarino at ni De la Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply