Biyahe-abroad ni GMA pinaboran ng solons

PINABORAN ng mga senador ang naging desisyon ng Korte Suprema na payagang makapag-abroad si dating pangulo at ngayong Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Senate majority leader Vicente Sotto III, nararapat lamang ang naging desisyon ng SC.

“The decision in favor of the right to travel is an affirmation of the Rule of Law for all, without fear or favor. I salute the Supreme Court,” diin ni Sotto.

Para naman kay Senador Francis Escudero, ang naging desisyon ng SC ay “fair and reasonable.”

Ani Escudero, bagaman maraming dapat sagutin si GMA sa mga akusasyong ibinabato sa kanya, subalit marapat lamang na kumilos ang Deparment of Justice sa pamamagitan ng paghahain ng kaukulang kaso laban dito.

Iginiit ni Escudero, kailangan ng tamang legal na aksyon para maaaring habulin ng pamahalaan ang petisyon na inihain ng mga Arroyo kahit na pinayagan itong makapag-abroad.

Para naman kay Senate president pro tempore Jinggoy Estrada, marapat lamang ang paghingi ng medical treatment si GMA sa ibang bansa subali’t kinakabahan ito na baka hindi na bumalik sa bansa.

Ani Estrada, “trust issue” ang bumabagabag sa kanyang kaisipan.

Sinabi rin ni Estrada na ang P2 million bond na sinasabi ng SC ay “kulangot na lang sa bulsa ni GMA.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply