SC spokesman Midas Marquez: ‘Di ako bading’

“HINDI ako bading.” Ito ang mariing sinabi ngayon ni Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez kaugnay sa isyung kumakalat na siya ay bakla.

Iginiit ni Marquez na masyadong seryoso ang mga tao na dumalo sa press conference na nakatuon sa Kataas-taasang Hukuman kaya nang masagi niya ang mikropono ay nilubos-lubos niya ang pagpapatawa.

Matatandaang kumalat sa social networking site na Facebook ang video ni Marquez kung saan makikita na ikinagulat niya ang pagkahulog ng mikropono at gumawi na parang isang babae sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang bibig.

Ang nabanggit na video ay umani ng iba’t ibang reaksyon kung saan kabilang ang pagkwestiyon sa kasarian ni Marquez.

Tinawanan lang ng spokesman ang mga komento at sinabing, hindi na raw niya pinansin pa ang mga ito dahil ang nais lamang niya ay maging magaan at sumaya ng kaunti ang mga tao sa nabanggit na presscon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply