SC wala pang tugon sa urgent motion ni GMA

BIGO ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mabigyan ng agarang deisyon ang kanilang very urgent motion na inihain sa Korte Suprema hinggil sa pagkuwestiyon sa watchlist order (WLO) laban sa kanila.

Sinabi Supreme Court Administrator at Spokesperson Midas Marquez, posibleng sa Martes (Nobyembre 15) na mailabas ang desisyon kasabay ng SC en banc kung magpapalabas ng TRO o hindi.

Nagsagawa naman ng special raffle ang SC kung saan napunta ito kay Justice Bienvenido Reyes na appointee ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Umaasa naman ang mga Arroyo na agad makapag-isyu ng desisyon para sa kanilang urgent motion. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply