Scholar ng North Cotabato mayor, dinukot

DINUKOT ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang scholar ng North Cotabato town mayor kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Manuelito Galledo, spokesperson ng crisis management committee, na ang biktima ay si Rony Cabaya, 23, college scholar at sinasabing malapit na kamag-anak ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya.

Nanawagan naman agad si Galledo sa mga dumukot na palayain na agad ang kanilang bihag dahil ito ay pinag-aaral lamang ni Mayor Cabaya kapalit ng pagiging helper sa bahay ng huli.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang  insidente alas-12 ng hatinggabi sa isang bisinidad sa Barangay Dualing, Aleoson Town sa North Cotabato.

Bago ito, nabatid na patungo ang biktima sa Barangay Dualing mula sa Midsayap town at lulan ng isang habal-habal nang harangin ng mga suspek at dinala sa Barangay Dunguan.

Ini-report naman agad ng drayber sa pulisya ang pangyayari na agad namang nagkasa ng hot-pursuit operation para masagip ang biktima at mahuli naman ang mga tumangay dito.

Sinabi pa ni Galedo, na ilang linggo bago ang pagdukot sa biktima ay may napapansin na silang mga suspetsosong kalalakihan na nasa labas ng bahay ni Mayor Cabaya.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang natatanggap na tawag ang pamilya Cabaya mula sa mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply