Sea vessels malapit sa fish sanctuary pinalalayas ng PCG

PINALALAYAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sea vessels na naka-angkla sa bahagi ng mangrove area o fish sanctuary sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Ayon kay Lt. Dennis Rapal, concurrent chief ng Coast Guard-Ilocos Norte, binigyan nila ng palugit ang mga may-ri ng mga sea vessels ng 30 araw upang ito ay alisin sa bahagi ng mangrove area.

Kabilang sa nasabing mga sea vessels ang isang fishing boat, isang lantsa st isang barge.

Sa report na nakarating kay PCG–Manila Spokeperson  Lt. Commodore Algier Ricafrente, nagpatawag sila ng pagpupulong sa Ilcos Norte para sa mga may-ari ng nasabing mga barko .

Hindi naman nakarating sa itinakdang pulong ang ibang may-ari habang nagpadala na lamang ng kinatawan ang iba pa.

Base sa pag-uusap, kailangan umanong tanggalin ng mga may-ari ang mga sea vessel na naka-angkla at kapag hindi sila sumunod sa derektiba ay ang PCG mismo ang siyang magtatanggal  sa mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply