SEAG: Gold medal nakaumang kina Amit, Rañola

SASARGO sa semifinals sina Pinay cue artists Rubilen Amit at Irish Rañola matapos manaig sa kanila-kanilang katunggali sa quarterfinals ng 26th Southeast Asian Games women’s 9-ball competition sa Jakabaring Billiard Arena sa Jakarta, Indonesia.

Makahaharap sa semis ni former Women’s World Ten-ball queen Amit si Hoe Shu Wah ng Singapore habang naka-schedule na tumbukin ni Rañola si Huynh Thi Ngoc Huy ng Vietnam.

Binokya sa pitong laro ni Amit si Amornrat Uamduang ng Thailand habang pinaluhod ni Rañola si Chonticha Chitchom, 7-2 ng isa ring Thailander kahapon (Nobyembre 16).

May posibilidad na maging all-Pinay Finals kung parehong mananalo sina Amit at Rañola.

Sa kasalukuyan, may dalawang ginto at tig-isang silver at bronze na ang Pilipinas sa bilyar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply