SEAG Philippine team nanganganib matulog sa kalye

NANGANGANIB na walang matuluyan at sa kalye matutulog ang delegasyon ng Pilipinas sa 26th Southeast Asian Games dahil hindi pa rin naaayos ng mga organizer ang kanilang accommodation.

Ilang araw na lang ang SEA Games sa Palembang, Indonesia ay wala pa ring naisasapinal ang mga organizer kung saan nila patutuluyin ang libu-libong VIPs, guests, media at tourists.

Si business tycoon Tommy Winata, na local version ni Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco ay umuwi, at nangako ng tatlong ships na kakasya ang 1,200 katao.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalaruin sa Palembang ang SEAG kaya problema ng mga organizer kung saan nila patutulugin ang mga taong miyembro ng mga delegasyon.

Mahigit sa 270 Filipino athletes ang lalaro sa Palembang habang ang 520 iba pa ay tutungo ng Jakarta at West Java.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply