Security agency na balasubas sa pasuweldo

ANONG klaseng security agency itong 8 Silver 8 Security Agency na naka-poste sa Chinese General Hospital? Inirereklamo ito ng kanyang mga guwardiya.

Ang security agency na ito ay pag-aari umano ng mag-asawang Hormigas na malakas daw ito sa management ng  hospital.

Tingnan ninyo ang kabalasubasan ng security agency na ito.

Napakalaki pong pagamutan ang nasabing ospital kaya malabo kung idadahilan ng mag-asawa na mababa lang ang bigay ng ospital sa  kontrata  sa kanila.

Ako ay naniniwala na  malaki ang kontrata ng ospital na ito sa security agency ng mag-asawa para balasubasin ng mga ito ang kanyang mga guwardiya.

Mantakin ninyo, wala raw sa minimum ang pasahod ng mag-asawa.

Sa 12 hours ay P333 lamang ang sahod sa isang araw ng mga guwardiya na dose oras na nakatayo at  nagbabantay sa Chinese Hospital.

Pagkatapos, kinakaltasan sila ng buwan-buwan para sa SSS at PAGIBIG Fund na hindi lang natin alam kung inihuhulog nga ng mag-asawa sa mga nasabing ahensiya.

Pero huwag mag-alala ang mga guwardiya sa 8 Silver dahil babantayan po natin ito hanggang hindi pumaparehas ang mag-asawang Hormigas sa kanyang mga nagtatrabahong guwardiya. ‘Di natin sila tatantanan.

Hoy, Mr. and Mrs. Hormigas, ibigay ninyo ang minimum na pasahod.

PROSTITUTION SA METALICA,TULOY

Wala pa ring tigil ang sex trade sa Metalica Disco sa Quezon Ave., Quezon City.

Kahit ilang beses na itong inirereklamo ng mga religious group dahil sa garapalang bentahan ng sex  ng mga kababaihan, hindi pa rin ito tumitigil sa prostitusyon.

Inutil sa dilang inutil si Mayor Bistek Bautista sa pagsupil sa prostitution sa disco house na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply