Seguridad hihigpitan sa arraignment ni RJ Bautista

BIBIGYAN ng mahigpit na seguridad ng mga tauhan ng Parañaque City Police si Ramon Joseph “RJ” Bautista na itinuturong umano ay utak sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen sa oras na dalhin sa Parañaque Regional Trial Court para basahan ng sakdal bukas (Nobyembre 16) ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng binuong Task Force Ramgen, pinaghandaan na nila ang ibibigay na seguridad kay RJ mula sa piitan nito sa Parañaque City Jail patungo sa sala ni Judge Fortunito Madrona ng Parañaque RTC Branch 274 upang matiyak na walang anumang magaganap na kakaibang uri ng insidente.

Nakatakdang basahan ng demanda kaugnay sa kinakaharap na kasong murder at frustrated murder si RJ dakong 8:30 ng umaga na inaasahang daragsain ng mga miyembro ng media at mga usisero kaya’t naglatag ng panuntunan ang court administrator upang hindi maging magulo ang sitwasyon.

Mahigpit na ipagbabawal muna ang camera sa maliit na silid ng korte at hanggang 30 katao lamang ang pahihintulutang makapasok sa loob ng courtroom upang maging maayos ang isasagawang arraignment.

Magugunita na una ng naghain ng waiver o pagtangging sumailalim sa preliminary investigation ang abogado ni RJ na si Atty. Dennis Mananzal kaya’t nagpasiya ang taga-usig na i-akyat na ang kaso sa korte.

Gayunman, binawing muli ni Atty. Mananzal ang kanyang waiver at humiling na isailalim muna sa inquest proceedings ang kanyang kliyente dahil illegal umano ang ginawang pagdakip dito ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply