Seguridad hihigpitan sa SC en banc session bukas

TINIYAK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mahigpit na seguridad sa Supreme Court en banc session bukas, na ayon sa kautusan ng Malakanyang.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, ayaw umano ni Pangulong Benigno Aquino III na magkaroon ng kaguluhan sa en banc session kung saan tatalakayin ang karapatan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Inaasahan na rin na dadagsa ang mga sumusuporta kay Arroyo at Pangulong Aquino sa pagtalakay ng Kataas-Taasang Hukuman ukol sa Temporary Restraining Order laban sa watchlist order ng Department of Justice laban sa mga Arroyo.

Aatasan naman ni Robredo ang Philippine National Police (PNP) na maging handa sa anumang magiging sitwasyon bukas sa Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply