Seguridad para kay Janelle Manahan hinigpitan

LALONG hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad na pinatutupad sa nakaligtas na girlfriend ng napatay na si Ramgem Revilla.

Kaugnay nito, patuloy na nagpapagaling ang survivor na si Janelle Manahan sa ospital dahil sa tama ng bala sa mukha at balikat.

Ayon kay Paranaque City Police Chief Sr. Supt. Billy Beltran, lalong kapani-paniwala ang testimonya ni Manahan kaya posibleng humantong ito sa hindi magandang balakin sa kanyang buhay.

Ininguguso ni Manahan ang kapatid ni Ramgen na si Ramona na kasabuwat sa nangyaring krimen.

Batay sa salaysay ni Janelle, sinabihan ni Ramona ang lalaking nakamaskara na sumaksak at bumaril kay Ramgen na tumigil na ito.

Hindi rin umano tumawag ng ambulansya si Ramona upang mabigyang ayuda ang duguang si Ramgen bagkus ay naglaho itong parang bula.

Samantala minaliit naman ng abogado ni Ramon Joseph Bautista ang kredibilidad ng mga testigong nagtuturo rito na may kinalaman sa pagpaslang sa kapatid na si Ramgen.

Ayon kay Atty. Dennis Manzanal, mali na kaagad sabihing may kinalaman ang magkapatid na sina Ramon Joseph at Ramona sa krimen dahil sa hindi tinulungan ng mga ito sa Ramgen at hindi tumawag ng ambulansya.

Nanindigan pa si Manzanal na iligal ang pagdakip na ginawa kay Ramon Joseph. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply