Seguridad sa bar exam nakakasa na

NAKAKASA na ang seguridad sa gagawing bar examination ng 6,200 law graduates bukas (Nobyembre 6) sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Dahil dito, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa palibot ng unibersidad dahil tiyak na marami ng mga dadagsa sa lugar.

Nilinaw naman ni Manila Traffic Enforcement Unit Chief Superintendent Reynaldo Nava na walang isasarang kalye sa paligid ng pamantasan.

Magkakaroon lamang umano sila ng special lane sa kahabaan ng España Boulevard para sa mga bar examinees papasok ng UST.

Ayon naman sa advisory na ipinalabas ng tanggapan ni 2011 Committee on Bar Exam Chairman Associate Justice Roberto Abad, ang España gate ng UST ay bubuksan lamang para sa mga bar candidates at bar personnel.

Ang P. Noval gate naman ay ilalaan sa mga parishioners at bubuksan lamang sa mga oras na may misa habang ang Lacson gate ay para naman sa mga magtutungo sa UST Hospital.

Mahigpit ding ipagbabawal ang pagparada ng mga sasakyan sa palibot ng unibersidad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply