Seguridad sa venue ng bar exam hihigpitan simula ngayong gabi

HINIGPITAN na ng Manila Police District simula ngayong gabi ang seguridad sa paligid ng Santo Tomas University kung saan idadaos ang 2011 Bar Examination bukas (Linggo, Nobyembre 6).

Ayon kay Senior Superintendent Alex Gutierrez, magpapatrulya na ang kapulisan sa UST campus at sa kalapit na area ngayong gabi.

Aniya, magtatalaga ng 100 personnel sa loob ng campus at magde-deploy din ng K-9 units sa area upang ma-detect ang anumang deadly weapons.

Kaugnany nito, hindi na rin pinapayagan ang mga supporter ng mga bar examinees na magsagawa ng espesyal na okasyon o “bar Ops” sa kahabaan ng España Avenue.

Sinabi rin ni Gutieerrez na magkakaroon din ng re-routing sa trapiko partikular sa mga lansangan sa palibot ng UST.

Tinatayang may 6,200 law graduates ang kukuha ng pagsusulit para sa unang batch bukas. Ang iba pang batch ay kukuha ng pagsusulit tuwing Linggo ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang paghihigpit ng seguridad sa bar exam ay upang maiwasang maulit muli ang naganap na insidente na ikinasugat ng 40 katao sa tapat ng De la Salle University sa Taft Avenue noong nakaraang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply