Sekyu ng bangko todas sa holdaper

PATAY ang isang security escort ng isang sasakyan ng bangko sa lungsod ng Davao matapos itong makipagbarilan sa mga nagtangkang humoldap sa kanila.

Binawian ng buhay si Jomar Villasite sa Davao Adventists Hospital.

Base sa paunang resulta ng imbestigasyon ng pulisya, galing umano ang Toyota Vios ng Philippine Business Bank sa isang Bottling company sa may Binugao Toril para kumuha ng pera nang sundan ito ng isang Honda Civic sakay ang mga hinihinalang holdaper.

Nakipagpalitan ng putok ang mga security escorts ng bangko at tuluyang umatras ang mga suspek.

Patuloy pang pinag-aaralan ang pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang mga suspek.

Kabilang din sa kanilang tinitingnang angulo ay ang inside job.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply