Sekyu tumalon mula sa itaas ng billboard

NAMATAY ang isang security guard matapos tumalon mula sa isang billboard sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Tinangka pang pakiusapan ng mga opisyal ng barangay ang biktimang si Jobert Talajuk subalit nasa taas na ito ng billboard na may taas na isa’t kalahating palapag, sumigaw ng “patawarin” at biglang bumulusok sa semento.

Sumabit ang katawan ng biktima sa isang high tension wire kaya nasunog ito at agad na namatay.

Napag-alamang inireklamo ang biktima ng kanyang girlfirend na si Francia Repomanta sa barangay dahil sa pambubugbog nito dahil sa selos.

Sinasabing pinakialaman ng biktima ang cellphone ng kanyang nobya at may nabasa itong text message na naging dahilan ng kanyang matinding pagseselos. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply