Selda ni GMA, korte ang magdedesisyon

ITINANGGI ng Malakanyang na sila ang magdedesisyon kung saan ikukulong ang dating presidente, ngayon ay Pampanga Representative na si Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ngayon ay hindi pa maililipat sa Southern Police District (SPD) si Ginang Arroyo dahil hindi pa rin maganda ang kanyang kalagayan na naka-confine pa sa Saint Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Ayon kay presidential spokesperson Abigail Valte, ang electoral sabotage na kasong isinampa kay Ginang Arroyo ay nasa huridikasyon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) kaya ang desisyon ay nasa Judge

Sensitibo ang kaso ni Ginang Arroyo dahil nasa ospital ito nang ilabas ng SPD ang warrant laban sa kanya at hinayaan muna nila itong manatili rito.

Matatandaang simula pa noong Martes ng gabi ay nasa St. Luke’s Medical Center na sa Taguig City si Rep. GMA matapos harangin para magpagamot sa ibang bansa ng bone disorder.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply