Selebrasyon ng ‘Bonifacio Day’ di iuurong

MALABONG mag-anunsyo ang Malakanyang ng panibagong holiday economics bilang bahagi ng paggunita sa Bonifacio Day sa Nobyembre 30, 2011.

Ipagdiriwang ngayong taon ang ika-148 taong kapanganakan ni Bonifacio na kilala bilang supreme leader ng Katipunan movement na nanguna sa paggapi sa mga Kastila upang mapagtagumpayan ang kalayaan ng Pilipinas.

“What was specified in the proclamation was that Bonifacio Day will be marked on Wednesday,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Tiniyak ni Usec. Valte na imposibleng maiurong ang araw ng paggunita ng Bonifacio Day lalo pa’t tumama ito sa araw ng Miyerkules.

“Palagay ko hindi,” anito.

Tinukoy ni Usec. Valte ang Proclamation No. 84, na ipinalabas noong Disyembre 20. nakaraang taon kung saan nakalagay ang eksaktong petsa ng mga holidays sa bansa na opisyal na ginugunita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply