‘Seminar for sale’ sa LTO talamak at lantaran

TALAMAK at lantaran na ang nagaganap na bentahan ng seminar sa main office ng Land Transportation Offie (LTO) sa Quezon City.

Ito’y matapos madiskubre ng ilang mediamen na tutubos ng kanilang lisensiya sa LTO main na maaari nang hindi dumaan sa seminar kapalit ng P500 para matubos ang kumpiskadong lisensya.

Sinasabing ang bentahan ng seminar sa LTO main ay  may halagang mula P500.00 hanggang P700.00 at matagal nang modus operandi ng mga tiwaling tauhan ng ahensiya para makalikom ng ekstrang pera.

“Wala na kaseng kitaan sa LTO ngayon, walang rehistro dahil November na, tapus na ang ending 0 at 9 noong October kaya  January na ulit, tapus yung special plates may bayad na, dati wala , kaya kahit sa seminar ay pinababayaran na nila ngayon para kumita,” pahayag ng source na ayaw pabanggit ang pangalan.

Sa ngayon, kapag may huli sa drivers license , kailangang dumaan muna sa seminar bago makapagbayad ng kaukulang penalty at matubos ang lisensiya.

Kung may pera at tamad ang driver na kumuha ng seminar, ito ay babayaran na lamang.

Ilan naman ang nagsabing may kakutsabang fixer ang LTO employee upang ang fixer na lamang ang aatend ng seminar kapalit ng kaukulang bayad para ditto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply