Sen. Bong Revilla natuwa sa Task Force Ramgen

LUBOS na ikinatuwa ng pamilya ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang pagkakadakip ng dalawang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ramgen “Ram” Revilla at inaasahan nang malulutas ang krimen.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Bong Revilla na patuloy na aantabayanan ng kanilang pamilya ang pangyayari sa imbestigasyon ng Task Force Ramgen habang inaantay ang opisyal na ulat ng pulisya.

Our family welcomes the development that two suspects are on hand, but we are still awaiting the official report to us from Task Force Ramgen,” ayon kay Revilla.

“Patuloy naming aantabayanan ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP hanggang tuluyang malutas ang pagkamatay ni Ramgen,” dagdag ng senador.

Nitong Lunes, kaagad nadakip ng pulisya ang dalawang suspek kabilang ang nakababatang kapatid ni Ramgen na sinasabing utak sa krimen.

Pinatay si Ramgen noong Sabado, Oktubre 29, sa bahay ng biktima sa BF Homes, Paranaque City.

Sa pahayag ni Parañaque Police Chief Senior Superintendent Billy Beltran, na isa sa mga suspek na nahuli nila kagabi (Oktubre 31) ay ang nakababatang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph Bautista, 22-anyos.

Sa isinasagawang imbestigasyon, may nakapagturo kay Joseph Bautista na sangkot sa naganap na krimen kaya inaresto nila ito kagabi at ngayo’y nasa kustodiya na ng Parañaque Police.

Tumanggi naman ang mga awtoridad na magbigay ng iba pang impormasyon at detalye sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Beltran, ihaharap sa Prosecutor’s Office ang tatlong naarestong suspek kagabi para sa inquest proceedings.

Matatandaang naaresto sina Bautista at dalawang iba pang kinilalang sina Michael at Francis kaugnay sa pagpatay sa anak ni dating Senador Ramon Revilla, Sr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply