Sen. Pia pumalag sa kritiko ng RH Bill

PINALAGAN ni Sen. Pia Cayetano ang ilang kritiko sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso dahil iniuugnay ito sa World Population Report 2011 na ipinalabas ng United Nations Population Fund (UNFPA).

“The real challenge for governments faced with a booming population and dwindling resources is not to control the population, but to ensure equal opportunities for the development of each citizen and family, especially among the poor. That’s the main point of the UN World Population Report, which critics of the RH Bill refuse to acknowledge,” ayon kay Cayetano.

Ipinalabas ni Cayetano ang paglilinaw matapos tangkain ng ilang kritiko ng RH bill na maliitin ang UN Report na nagsasabing umabot na sa pitong bilyon ang populasyon ng mundo noong Oktubre 31.

“The RH Bill is not the be-all and end-all solution to our nation’s problems. But it holds the key to empowering Filipino couples to access family planning education and services which, in turn, would allow them to plan the number and spacing of their children and ultimately chart their own well-being and future,” giit ni Cayetano.

Pinalagan din ni Cayetano ang isang news report na tinutukoy ang isang kuwento sa website ng Pro-Life na nagsasabing maaaring magkasya ang anim na bilyong katao sa Texas, USA na bawat pamilya ay may isang bahay at maliit na bakuran.

“There’s no sense in computing how many billion people could physically fit into the state of Texas if only to downplay the findings of the UN Report. This simplistic argument only highlights the RH Bill critics’ disconnect with reality,” aniya.

Dagdag pa niya: “There’s no time to peddle illusions when the government’s urgent concern is to address social and economic realities and meet the basic needs of millions of poor families in our country.”


About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply