Sen. Revilla nagpasaklolo na sa DFA

NANAWAGAN na si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine National Police (PNP) na mapabalik sa bansa ang kanyang kapatid na si Ramona Bautista na isa sa itinuturong suspek sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla.

Bukod sa DFA, hiniling ng senador sa PNP na pakilusin ang kanilang Interpol Unit para maibalik sa bansa si Bautista at harapin ang naturang kaso.

Nakiusap din ang senador sa ina ni Bautista na si Genelyn Magsaysay na kumbinsihin ang kanyang anak na bumalik na ng bansa at harapin ang imbestigasyon ng pulisya.

Paiimbestigahan din ni Revilla kung sino ang escort ni Bautista sa kanyang paglabas sa bansa.

Una nang sinabi ng senador na ipauubaya na niya ang kaso sa awtoridad at kung sino man anya ang masagasaan ng imbestigasyon ay tatanggapin ng pamilya Revilla magkaroon lamang ng hustisya ang pagkamatay ni Ramgen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply