Senado hands-off sa malalaswang DJ

NAGPAIRAL ng ‘hands-off policy’ ang chairman ng Senate committee on public information and mass media sa reklamo ng isang Catholic bishop hinggil sa mga anchor o disc jockey sa radyo na nagbibitiw ng mga bastos na salita sa ere.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng komite, hindi maaaring mapakialaman ng Senado ang mga bastos na DJ dahil baka sila naman ang maakusahang kumikitil sa malayang pamamahayag.

“Kung pupuwersahin na iregulate ng Kongreso pati yung behavior ng mga media practitioner, yung mga broadcaster, yung mga DJ, baka kalabisan na yan,” katuwiran ni Honasan.

Idinagdag pa nito na ngayong tinatalakay nila ang Freedom of Information (FOI) bill sa Senado, hindi nila pinakialaman ang media industry dahil sila dapat ang magbaston sa mga pasaway nilang miyembro at hindi ang Kongreso.

Aniya, mas makabubuti na ang Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP) ang magparusa sa mga bastos na DJ, karamihan dito ay sa FM station.

Nauna rito, hiniling ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa KBP na kastiguhin at parusahan ang mga bastos na DJ, partikular yung mga programa sa panggabi sa FM stations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply