Senate probe sa DBP loan mess, kinansela

WALANG ibinigay na dahilan ang tanggapan ni Sen. Teofisto Guingona III sa pagpapaliban ng nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa P660 millyong pautang ng Development Bank of the Philippines (DBP) kay dating Trade and Industry Minister Roberto Ongpin.

Sa ipinalabas na media advisory, sinabi ng tanggapan ni Guingona na pansamantalang ipinagpaliban ang pagdinig sa DBP loan mess na naunang itinakda sa Miyerkoles, Nobyembre 9, 2011.

Iniimbestigahan ng Senado ang P660 milyong pautang ng dBP kay Ongpin na siyang ipinambili naman ng sarili nitong kompanya, ang Delta Ventures Resources Inc, ng 50 milyong sapi ng bangko sa Philex Mining Corporation.

Naunang natuklasan ng Senado na kumita nang malaki ang kompanya ni Ongpin dahil ibinenta lamang ng DBP ang sapi nito sa Philex Mining Corporation sa halagang P12.50, ngunit naibenta ng Delta Ventures ang sapi sa halagang P21 kada sapi.

Mahigpit na itinanggi ni Ongpin na maanomalya ang pautang kahit pa naganap ang proseso sa panahon ng panunungkulan ng dating administrasyong Arroyo. Kilala si Ongpin bilang malapit na kaibigan ni dating first gentleman Mike Arroyo.

Itinanggi rin ni dating DBP president Rerynaldo David na may insider trading sa bentahan ng sapi ng Philex Mining sa kabila nang pagtataya ni Senate President Juan Ponce Enrile na siya ang ponente ng bentahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply