Senate probe sa electoral fraud, idenepensa

IPINAGTANGGOL ni Sen. Alan Peter Cayetano ang isinasagawang kasabay na imbestigasyon ng Senado sa naganap na dayaan noong 2004 at 2007 sa paniwalang makatutulong ang pagkilos upang punan ang kakulangan ng imbestigasyon ng DOJ-Comelec joint panel.

Ipinaliwanag niya na dulot ng kapangyarihan na ibinigay sa Comelec at Ombudsman na mag-imbesrtiga, kapag naisampa ang kaso, magkakaroon na ang preliminary investigation.

“Samantala, magagamit naman ang resulta ng imbestigasyon ng Senado bilang basehan para sa usaping lehislatura o magagamit ng prosekusyon sa lalong madaling panahon. Malaking bahagi ang gagampanan ng fact finding na isinagawa ng Senado,” giit ni Cayetano.

Tinukoy pa ng senador na maaaring makapagpalutang ng mas maraming impormasyon ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa iba pang personalidad maliit man o malaki  ang kanilang partisipasyon sa isyung iniimbestigahan.

Iginiit pa ng senador na nasa kamay ng Senado na magsagawa ng parehas at walang kinikilingang imbestigasyon dahil may iba’t ibang komposisyon ng partido ang miyembro nito.

Magkaroon din umano ng pagkakataon ang mamamayan na pagkukumpara at pagsusuri sa resulta ng imbestigasyon ng Senado sa ibang resulta ng imbestigasyon.

Sinabi pa ni Cayetano na pangunahin pa sa kahalagahan sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng saksi at testigo na kumanta at maipagtanggol naman ang sarili ng mga inaakusahan.

“That all sides can speak and everyone can defend themselves would negate any attempt at a  demolition job. What’s important is that everyone is given a fair opportunity,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply