Senglot na dalagita pinulutan ng kainuman

PINULUTAN ang isang dalagita ng kanyang kainuman matapos halayin nang makatulog sa kalasingan sa Malabon City, kaninang madaling-araw.

Nadakip naman si Jay Guillen, 37, ng Desierto St., Tañong, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 16, ng Bangkulasi, Navotas, kagabi nang niyaya siya ng mga kaibigan na sina Andrea, 15 at Mark Anthony, na mag-inuman sa bahay ng suspek.

Pumayag naman ang biktima at dakong ala-1 ng madaling-araw nang malasing ay nagpasyang magpahinga muna sa kuwarto.

Dito na sinundan ng suspek ang biktima at sinimulang halayin.

Nang makaraos ay basta na lang iniwan ng suspek ang biktima na agad namang nagsumbong sa kanyang mga magulang nang mahimasmasan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply