Senglot na tatay, tinigbak ng katagay na anak

PATAY ang isang ama matapos saksakin ng sariling anak sa Brgy. Bani, Bacarra Ilocos Norte, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report sa Camp crame, kinilala ang biktima na si Jerry Magaoy, 43, ng Brgy. Pipias, Bacarra, Ilocos Norte.

Agad namang nadakip ng awtoridad ang suspek na si Jeremy, anak ni Magaoy matapos ang krimen.

Sa pagsisiyasat. nabatid na magkasama sina Magaoay at ang anak na si Jeremy na nagtungo sa Brgy. Bani, Bacarra saka nag-inuman sa isang tindahan.

Habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang nauwi sa pananaksak ng suspek.

Nabatid na posibleng nagtanim ng galit ang suspek sa kanyang ama dahil sa madalas na pangmaltrato ng ama sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply