Serbisyo ng e-passport application pinag-ibayo pa

PINAG-IBAYO pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang serbisyo ng e-passport application.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Jet Leda na nagkaroon dati ng mga problema sa e-passport application kaya in-improve nila ang serbisyo.

Ayon kay Leda, maaaring mag log-in sa www.epassport.com.ph o tumawag sa 737-1000 at makakakuha ng appointment sa loob ng dalawang linggo para sa regular processing.

Matapos ang pagpoproseso, aabutin lang ng 10 araw ang processing sa mga rush application habang 20 araw naman ang release ng pasaporte sa regular processing.

P1,200 ang bayad sa rush e-passport application, habang P950 naman sa regular processing.
Bukod sa DFA office, pwede ring mag-apply ng pasaporte sa mga travel agency na accredited ng kagawaran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply