Sex offenders hindi na makalalapit sa mga eskwelahan

IPAGBABAWAL nang lumapit o pumasok sa mga paaralan ang mga sex offender o “manyak.”

Ito ang nakasaad sa inihaing House Bill 5439 nina Buhay Party-list Rep. Irwin Tieng at Michael Velarde na ang layunin ay mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan laban sa anumang uri ng sexual abuse.

Base sa datos ng Philippine National Police (PNP) Women and Children’s Desk ay umabot na sa halos 10,000 kabataan ang nabiktima ng mga manyal sa buong bansa noong 2009.

Ang nasabing panukala ay ipatutupad sa pangunguna ng Department of Education (DepEd).

Katuwang ng DepEd ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siyang magpo-provide ng listahan ng mga sex offender sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply