Shell advance motorcycle challenge dinagsa sa Dagupan

BUMIDA ang mga Pangasinense sa 4th leg ng Shell Advance Motorycle & Underbone Challenge na ginanap sa CSI Stadia sa Dagupan City, noong Oktubre 22.

Back-to-back ang mga napanalunang titulo ni Vergilio Ramolete na siyang nakakuha ng 1st place para sa Obstacle Course at sa Slow Race. Nanalo ang rider #32 ng P5,00 cash prize at Shell Advance jacket.

Nanalo din ng P3,000 ang rider #11 na si Silvestre Pedeglorio matapos nitong makapagsumite ng oras na 1.22.23s, ilang segundo lamang matapos ni Ramolete.

Halos anim na segundo rin ang naging agwat ni Pedeglorio sa 3rd placer ng Obstacle race na si Marcos Grenesis, na tumanggap naman ng P2,000.

Kung sa pa- astigan lang naman ng motorsiklo ang pag-uusapan, bumibida rin jan sina Rodel Doquenia at Victor Untalan, na parehong nga-uwi ng tig-dalawang-libong piso para sa Best Dressed category; best Dressed-Stock para kay Doquenia at Best Dressed-Open naman kay Untalan.

Nakakuha rin ng tig-isang-libong piso sina Romeo Fernandez (Stock) at Jervin Feraro (Open) na pareho namang nakakuha sa ikalawang pwesto para sa labanan ng pinakamagandang disenyo. Pinaghatian naman nina Anthony Fernandez (Stock) at Jay Mark Contreras (Open) ang isang-libong piso na nilaan para sa mga pasok sa top 3 para sa Best Dressed category.

Ang rider #235 na si Jerry Mora ang nanalo para sa Bike Balance category.

Jampacked ang CSI Stadia nang araw na iyon. Humigit-kumulang sa 270 na riders at manonood ang dumalo sa mga kasiyahang inihanda ng Shell para sa araw na iyon. Sa dami ng kanilang miyembrong dumalo, masayang umuwi ang mga miyembro ng Lucky Riders club dahil binigyan sila ng Shell ng dalawang box ng Shell Advance Ultra.

Ang mga nagsipagwagi ay nakatanggap rin ng tig-iisang Shell Advance Jacket at Outlast battery.

Ang huling round ng Shell Advance Solo Motorcycle & Underbone Challenge ay gaganapin sa ika-19 ng Nobyembre sa Robinsons Market sa Lipa, Batangas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply