Shell gasoline station hinoldap

HINOLDAP nang tatlong kalalakihan na magkakaangkas sa motorsiklo ang isang sangay ng Shell gasoline station sa Susano Road, Barangay San Agustin, Novaliches kaninang madaling-araw, Nobyembre 26.

Nabatid na nagpanggap na kustomer ang tatlong lalaki na nagpakarga pa ng P50 halaga ng gasolina kasunod ng pagtutok ng baril sa kaherang si Angeline Galvez.

Natangay ng mga suspek ang P3,556 kita ng gasolinahan saka tumakas.

Nabatid na tanging si Galvez at isang gasoline boy ang naka-duty nang maganap ang panghoholdap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply