Sheriff Andres ng Davao City RTC posibleng di na bumalik sa lungsod

MAAARING maging permanente na sa kanyang puwesto sa Supreme Court at hindi na bumalik sa dati niyang puwesto bilang sheriff ng Davao City RTC Branch 16 si Abe Andres.

Ayon kay Sheriff Confederation of the Philippines Davao President Sergio Tupas, nakapokus na umano si Andres sa kanyang tungkulin sa kataas-taasang hukuman.

Matatandaang si Andres ay sinuntok ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa harap ng TV camera makaraang ihain nito ang demolition order sa Soliman, Agdao.

Napag-alaman na ang naiwang puwesto ni Andres ay wala pang pumapalit na kasalukuyang ginagampanan ng mga tauhan ng Office of the Clerk of Court.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply