Shocking!: ‘Aswang’ ni Lovi tinalbugan ng low-budgeted na ‘Batang Ifugao’

NABASA ko just this morning when I woke up that Lovi Poe’s “Aswang” according to the entertainment columnist of a popular tabloid made a killing supposedly at the box-office.

Dahil nga raw sa box-office hit ang pelikula (nilampasan pa raw ang opening day gross ng “My Neighbor’s Wife..really? Hahahahahahaha!) tinawagan daw ni Mother Lily mismo ang manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez at nag-blow-out ito sa Edsa Shangri-la hotel.

A sure-fire indication that the movie made money since may ugali raw kasi ang Regal Matriarch na hindi nagpapakita kung di malakas ang kanyang pelikula.

Well, ‘yan ang press release ng kampo ni Madera at Lovi Poe.

Pero nang makausap naman namin ang manager ng gwaping na si Norris Kohn at gandarang si Sofia Lee na si Papa Boy Pilapil, ibinalita niya with full unadulterated conviction that their movie “Batang Ifugao” was supposedly the surprise hit of the season.

“Yes, Pete, ang underdog na movie nina Norris John at Sofia Lee ang humataw sa box-office nang mag-open ito nu’ng All Saint’s Day,” Papa Boy asseverates.

“Ito ang ibinalita sa atin ng theater manager ng Cinerama at Isetan Recto knowing na All Soul’s Day, that’s indeed an achievement considering na nasa probinsiya pa ang mga tao by that time (November 2).

“Mula raw nang magtala ng record ang “Walang Kawala” movie nina Polo Ravales at Joseph Bitangcol na may gross a 35k in one day sa isang sinehan, ngayon lang daw ito naulit sa movie nina Norris John at Sofia Lee na 30k naman ang kinita in one day’s time sa Cinerama at Isetan Recto respectively.

“Nakatataba ng puso kapatid,” openly enthuses Boy. “Knowing pretty well na nasa provinces pa ang mga tao, di ba naman?”

Kahit nga raw sa Gotesco Grand Cetral ay number one pa rin ang movie nina Norris at Sofia kaya teary-eyed halos si Papa Boy sa magandang feedbacks sa kanilang movie.

“Di ba natalo ang pangil at pakpak ng ‘Aswang’ sa Bahag ng Batang Ifugao? Maraming salamat talaga sa tulong n’yo kapatid sa isang maliit na producer na tulad ko.”

Dahil sa heartwarming response sa kanilang movie, may theater tour raw ulit ang ang cast ng nasabing movie ngayong Saturday, November 5, sa iba’t ibang mga sinehan tulad ng Remar Cubao, Market Place Mandaluyong, Cinerama, Isetan Recto, Roben theater Recto, Gotesco Grand Central Caloocan, and Metropolis Alabang.

***

Kuya Boy’s new love

NOTHING is permanent in show business. Kaya naman this early, Kuya Boy Abunda is thinking of ways and means to augment his income in preparation for the rainy days.

“I won’t be hosting teevee programs for life so in preparation for the rainy days, I’m investing on a little business that would sustain my income in the years that I won’t be that visible on teevee anymore hosting my own show.”

In this regard, Kuya Boy has invested a big chunk of his earnings on this restaurant business, the main owner of which happens to be his bossom buddy Mr. Boy So.

And honey, it’s within the reach of everyone for where in the world can you find a buffet that costs ninety-nine pesos? Only at Sir Boy’s Food Republique!

The resto is one of the five restaurants under the La Carmela group. It offers a wide array of sumptuous Filipino food (lutong bahay) at very affordable prices from adobo, kare-kare, mechado, Bicol express, tinola, sisig, bulalo, crispy pata, kaldereta, puchero, sinigang and more.

The centerpiece of the restaurant is the  eat-all-you-can P99 buffet from 10 a.m. to 10 p.m. (99-10-10). Also found in the Food Republique are Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, wanton noodles), Sir Boy’s BBQ (pork and chicken BBQ, Bam-i), Sweet Boy (all cakes and pastries), and Sir Boy’s Dampa (fresh seafood cooked either grilled or with soup (sinigang based). These outlets are not part of the eat all you can buffet.

“I love to eat so I decided to invest in this kind of business that will keep me liquid and financially stable in my older years.

That’s how Sir Boy’s Food Republique has come into fruition.

“It is home for the best lutong bahay Filipino cuisine and a place where families, and friends can eat with gusto like they are home.

“The restaurant is unique with a menu that varies daily. Every month a specific regional dish like Ilocano, Kabalen, Ilonggo, Waray and many others are featured.

With its 300 seating capacity, it is an ideal venue to celebrate the most important events of your life. Since its soft opening last October 18, many have already reserved the place for birthday celebrations, medical missions, and a regular breakfast club (every Saturday).

“Try it, di ako mapahihiya.

“Our place is located at No. 29 Panay Avenue cor. near Roces Street, Quezon City. It is also near the Capitol Medical Center. For inquiries and reservations, please call (0917) 638-8003 or 227-0300.

“I’m sure you’ll be satisfied with the kind of service that we offer,” he asseverates.

***

Wala raw interes pero sawsaw to-the-max ang beauty

HAHAHAHAHA! How uproariously funny. Heto ka at wala raw siyang interes sa aktor na ‘to dahil balding na in the first place pero ang tsika naman ng young actress na rating karelasyon ng ombre na ‘to ay nasagad na lang daw siya kaya she blew her top one day and texted the glamorous woman using her boyfriend’s cell.

Anyway, obvious na off-line na rin ang bata at gandarang young actress at ang kanyang paparu pero ang ipinagtataka naman ng mga entertainment writers ay bakit daw ba nagti-text pa ang long-legged actress sa kanyang ex kung totoong wala na siyang interes rito?

Hahahahahahaha!

That’s the 64 dollar question that’s roiling in the minds of most entertaiment writers these days.

Gusto nga lang daw bang gumanti ng sopistikadang aktres sa gandara at sosyal ding younger actress kaya ginugulo nito ang relasyon ng dalawa?

Whatever’s the answer, only the sophisticated actress knows for sure.

***

Ate Vi’s unforgettable

KUNG ang following ng ibang artistang kapanabayan niya’y medyo nag-dwindle na as time goes by, Queenstar Vilma Santos’ formidable following appear to have mushroomed as years go by.

Why is that so?

Simple lang, nagi-effort kasi si Ate Vi na mapalapit sa kanyang mga tagahanga kaya laging nasa tabi niya ang mga ito at kung mapalayo ma’y they never fail to keep in touch.

Nang minsang magkasakit ang isa niyang loyal fan from the faraway General Santos City, she need not be told twice about it, nagkusa na siyang magpadala ng tulong kaya lalong napamahal siya rito.

Kumbaga, hindi one-sided ang kanyang relasyon sa kanyang mga dyed-in-the-wool followers. She knows how to give them back the kind of love that they’ve given her all these years.

Ang karamihan kasi sa mga artista natin, plastic lang ang ipinakikitang pagmamahal kuno sa kanilang mga tagahanga. Gusto nila’y lagi-laging nasa receiving end and never did they bother to reciprocate the love and devotion that they get from them.

But not our Ate Vi. she knows when pay back time is and that makes her all the more humane in as far as her millions of followers are concerned.

No wonder, she’s been around for so long and yet the strength of her following has never dwindled or dissipated but has wonderfully augmented.

Pati kasi mga anak ng kanyang mga tagahanga ay nakagisnan din ang magandang samahan ni Ate Vi at ng kanilang mga magulang, ang usual tendency ay maging fan na rin sila ng aktres.

Ikaw na ang maging isang Vilma Santos.

‘Yun na!

***

Ang naiibang pagmamahal ni Ronald Constantino

NANG magpunta kami sa presscon ng “Kokak” na pinagbibidahan ng sariwa, makatas at gandara talagang si Sarah Lahbati, (also featuring the comebacking Jessa Zaragoza as Sarah’s mom, TJ Trinidad, JC Tiuseco, Gary Estrada, Francheska Farr, the glamorously beautiful Vaness del Moral and Ervic Vijandre), nakita namin ang veteran writer-journalist na si Mr. Constantino.

Habang pababa ang elevator mula sa pinagdausang press conference, napag-usapan namin sina Ate Vi at Ate Guy dahil sa kantiyawerong si Mr. Mario Bautista, ang best friend ni Carla Abellana (Hahahahahaha!).

Out of the blue, biglang natanong namin si Mr. Ronald Constantino kung nagkita na ba sila ni Ms. Nora Aunor. His cool answer was hindi pa raw.

Why is that so? Wala ba siyang balak na puntahan o dalawin ang Superstar?

“Kahit magkita man kami o hindi magkita, she’s always in my heart,” he says with full eloquence. “Never naman siyang nawala kahit na matagal na kaming di nagkakausap.

“I don’t have to prove anything pa,” he adds with such serenity, he overwhelms us with his stoic answer. “Magkita man kami o hindi na, she’ll always be in my heart and nothing can ever change that.”

Tama!

Real love is not measured with how often you get to see each other. It’s the thought that counts!

Going back to the fantaserye Kokak, kamuntik na palang di tanggapin ito ni Direk Ricky Davao. Parang hindi kasi masyadong nagmarka sa kanya ang original version nito some two decades ago.

“Buti na lang tinanggap ko,” asseverates Direk Ricky. “For if not, malaki siguro ang pagsisisi ko.”

Oo nga naman.

For one, mukhang mahuhusay ang mga bagong writers na nagtutulung-tulong dito para gawing naiiba at exciting ang dating plot na napanood natin sa mga sinehan courtesy of Seiko films.

Malaking factor rin ang presence ni Ms. Jessa Zaragoza na iniintrigang hiwalay na raw sa papa Dingdong Avanzado niya pero di na namin natanong dahil nagmamadali na kaming umuwi dahil sa aming deadline.

Kung dati kasi’y medyo bilugan siya, this time she is a lot slimmer and almost as comely as before.

Anyway, basing from the trailer that we’ve seen, mukhang exciting nga ang millennium version ng Kokak dahil bukod sa sosi at magaling ang direktor, bonggacious ang pagsasama-sama ng mga talents na never pang napagsama-sama before.

Incidentally, Ruben Marcelino’s Kokak begins airing on November 14 after Eat Bulaga on GMA-7’s Afternoon Primetime.

Kokak can also be seen in the US and Canada, Middle East and Asia Pacific starting November 16 on GMA Pinoy TV.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply