Shopinas lumuluha pa rin

PINAHABA ng Petron Blaze Boosters ang pighating nalalasap ng Shopinas.com Clickers matapos ang 102-77 panalo ng una sa PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum, kagabi (Miyerkules, Nobyembre 9).

Humarabas ng double-double si Arwind Santos ng 18 puntos at 11 rebounds upang ibigay ang pang limang-panalo ng Boosters sa walong salang at ibaon ng todo ang Clickers sa 0-8 karta.

Sa second game, kahit kulang sa tao ay nagawa pa rin pindutin ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang panalo laban sa nauubusan na ng lakas na Powerade Tigers, 95-86.

Nagtulong sina Japeth Aguilar at Jared Dillinger ng 21 at 18 points upang isalo ang Tropang Texters sa top spot kasama ang Rain or Shine Elasto Painters na may tig 6-1 win-loss slate.

Medyo pilay ang Tropang Texters dahil kulang sila sa tao kaya naa-angatan sila ng Tigers sa half time, 40-43.

Noong Lunes (Nobyembre 7), nabaril ang power forward ng Tropang Texters na si Ali Peek na ngayon ay nakaratay pa rin sa ospital.

Si Aaron Aban naman ay sa Mayo pa makababalik dahil sa iniindang ACL habang sa December makapaglalaro si Jimmy Alapag na may left knee injury.

Nagpahinga rin si Rich Alvarez dahil sa left hand torn ligament.

Nakabalik naman sa paglalaro sa Talk ‘N Text sina Raindel de Ocampo at Harvey Carey.

Samantala, dahil kasalo ang T’NT ay muling kakalas ang Elasto Painters upang masolo ang liderato.

Kikilatisin ng Elasto Painters ang nanunuwag na Barako Bull Energy sa secong game 7:30 bukas ng gabi (Biyernes, Nobyembre 11) sa Cuneta Astrodome habang sa unang sultada ay maghaharap ang B-Meg Llamados at Meralco Bolts sa alas 5:15 ng hapon.

Hawak ng Energy ang solo tersero puwesto na may 5-2 baraha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply