Shortlist para sa susunod na Army chief nakaumang na

INIUMANG na ng Board of Generals ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang shortlist para sa susunod na Army chief kapalit ng magreretirong si Lt. Gen. Arturo Ortiz.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos, Jr. ay 11 heneral ang kuwalipikado sa nasabing posisyon na pagpipilian ng Board of Generals.

Kabilang na rito sina AFP deputy chief of staff Lt. Gen. Anthony Alcantara at Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Jessie Dellosa na pawang miyembro ng PMA Class ’79 at naging kaklase ni AFP chief of staff General Eduardo Oban, Jr.

Samantala ang siyam na iba pa na qualified din bilang susunod na commanding general ng Philippine Army (PA) ay may ranggong two-star general. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply