Shuttle bus nasunog sa SLEX

NATARNATA ang driver nang biglang naglagablab ang kanyang minamanehong shuttle bus kaninang umaga sa South Luzon Expressway sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa ulat ni Joey Catamora, ng Traffic Management Unit ng SLEX, ang insidente ay naganap dakong alas-6:35 nang biglang matupok ng apoy ang “Space shuttle bus.”

Naghatid umano ng empleyado ang driver sa Maynila at papunta na sa Calamba nang umapoy ang sasakyan.

Sa pagsisiyasat, nabatid na faulty electrical wiring sa alternator ang dahilan ng pagkakasunog ng sasakyan.

Hindi naman umano nakaabala sa daloy ng trapiko ang naganap na insidente, dahil nasa shoulder lane naman ang nasunog na shuttle bus. Wala naman iniulat na nasaktan o namatay sa insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply