Si Maja pa rin ang tinitibok ng puso: Angeline walang dating kay Coco

KAMAKAILAN lamang ay masayang humarap sa press people ang de-kalidad na actor na si Coco Martin at halatang kabado talaga ito. Sa katunayan pa nga, naka-dalawang basong red wine ang actor para lang mas maging madaldal.

Aminado kasi itong pagdating daw sa pakikipag-usap sa mga press people ay kabado siya dahilan sa hindi raw niya alam kung paano sumagot lalo na sa mga maseselang tanong. Pero nang matanong naman kay Coco ang tungkol sa nakaraang ‘suntukan’ blues nila ni Matteo Guidicelli dahilan kay Maja Salvador, ayon Coco, hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkakaharap nang maigi ni Matteo pero kung makakakita ng pagkakataon, nais niyang magka-ayos na sila nang mabuti ng actor.

Say pa rin ni Coco, labis raw niyang pinagsisihan na nagpadala siya sa bugso ng damdamin kung pupuwede namang makuha sa mabuting usapan.

Dahil si Matteo ang naging BF ni Maja, sino naman kaya ngayon ang kanyang bagong sinusuyo after Maja?

Ang tsika, ang bagong katambal niya sa pelikulang si Angeline Quinto na binigyan pa niya ng kwintas habang nasa shooting sila ng kanilang bagong movie. Hindi naman itinanggi ni Coco na binigyan niya ng kwintas ang baguhang singer pero wala raw ibang pakahulugan iyon kundi pang pa-good luck para sa movie nilang dalawa.

Itinanggi rin ng actor na sila na ng baguhang singer, wala raw ganung factor at hindi raw niya nililigawan ito. Nang matanong siya kung may special someone siya ngayon, diretsahang sinabi ni Coco na wala raw.

Kung sa pamilya nga raw niya ay wala siyang time, how much more raw sa panliligaw? Sa rami ng kanyang ginagawa ay hindi raw niya magagawang makasingit ng oras para magka-girlfriend, at kung sakali man daw na magkaroon siya ngayon ng syota, magiging unfair siya sa girl dahilan sa hindi niya ito mabibigyan ng quality time. Sayang lang daw naman.

***

WALANG katutul-tutol ang sexy young actress na si Lovi Poe nang matanong siya kung willing ba naman siyang magdagdag ng love scenes with Jericho Rosales sa movie nila nina Solenn Heusaff at Maricel Soriano na pang Metro Manila Film Festival ng Regal.

Sa isang panayam ay masayang sinabi ni Lovi na payag daw siya dahil si Jericho raw yun at open na open siya sa pagsasabi na crush niya ang actor.

Sa movie kasi nila ni Echo ay walang love scene na nakunan silang dalawa, as in wholesome kasi ang role ni Lovi sa movie. Mas lamang ang drama kaysa mga sexy scenes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply