Si Mariel ang stylist ni Robin

MAS nagmukhang bata si Robin Padilla kesa kay Vhong Navarro sa look niya during the presscon ng bago nilang show sa ABS-CBN, ang “Toda Max” na magsisimula na ngayong Sabado bago mag-Maalaala Mo Kaya. Proud na binanggit ni Robin sa amin na si Mariel ang nag-style sa kanya from head to foot.

“Si Brad Pitt ang peg niya. Pinakitaan niya ako ng picture ni Brad Pitt na ganito ang suot kaya pumayag ako. Hindi naman ako papayag kasi na hindi ko nakikita kung ano’ng magiging hitsura ko. Okey naman,” ngiti ni Robin.

Ang napipintong paglulunsad ng Toda Max ay hudyat ng pinaka-aabangang pagbabalik ng classic sitcom, na sinimulan ng Kapamilya Comedy. Inamin ni Robin na personal niyang kahilingan na makatambal muli si Vhong sa isang sitcom.

“Nagpa-bawas nga ako ng talent fee para makasama ko si Vhong,” pabiro niyang sambit.

Tinanong namin si Robin kung na-try na ba niya na magpaka-naughty isang Pasko sa buhay niya.

“Ay, wala, my goodness! Hindi po, wala, wala pa. Kasi bata pa lang kami, wala naman ako’ng gustong sagasaan kahit sino, pero ang Pasko ay talagang, pagsasaya ‘yan, e. Pero kami kasi pinalaki kami ng magulang namin na masyadong ano ang tingin namin sa Pasko, holy. Nu’ng kami’y Katoliko pa, nagsisimbang-gabi kami nina ermats. Hindi naging ganun ang ano namin, ‘yung todo goodtime? Hindi ganu’n, e, ‘yung nagpa-seksi. Marami ako’ng ginulpi pero ‘pag Pasko wala,” pahayag ni Robin.

May gugulpihin ba siya ulit ngayon?

“Wala, hindi mangyayari ‘yun. Hindi naman gulpi. Basta huwag lang ako’ng sasabihan na umatras kasi masakit ‘yun, e, oo. Sana ‘yung totoo lang ang lumabas. “‘Yun lang ang sa akin. Ako ay nagbigay, ‘di ba? Huwag dalhin sa salitang umatras, pangit ‘yun,” na ang tinutukoy ni Robin ay ang ‘di pagkakatuloy ng pelikula niya sa MMFF this December.

Speaking of Maalaala Mo Kaya, si Robin din ang tampok na bigating artista sa special episode ng longest drama anthology in Asia hosted by Ms. Charo Santos Concio.

Makakasama niya ulit after a long time ang kanyang former leading lady na si Vina Morales. Kaya tutok na sa Kapamilya network sa darating na Linggo ng gabi at tunghayan ang back-to-back shows ng nag-iisang Idol ng Aksyon na si Robin.

-ooOoo-

NAKATSIKAHAN naman namin ang mas sumeseksi pa ngayon na si Dianne Medina na isa sa cast ng bagong show sa TV5 na “The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto” na magsisimula na rin ngayong gabi. Going strong pa rin daw sila ng boyfriend niya na si Rodjun Cruz.

Kapatid ni Rodjun ang kontrobersyal na si Rayver Cruz dahil naging ex-BF siya ni Sarah Geronimo na ngayon ay boyfriend ni Cristine Reyes. Kwento ni Dianne, never niyang nakita na dinala ni Rayver sa bahay nina Rodjun si Sarah kapag may mga importanteng okasyon. Unlike si Cristine, always present daw at love ng pamilya nina Rodjun.

Four years nang mag-on sina Dianne at Rodjun pero wala pa rin daw silang planong magpakasal. Super trabaho lang daw muna sila at gusto niya na sumikat nang husto si Rodjun lalo na ngayon na gumaganda ang career ng boyfriend niya sa TV5. Plus the fact na kailangan nilang mag-ipon for their future.

Sa tagal nilang magka-relasyon, siyempre marami na ang nagdududa kung wala ba’ng physical contact na nagaganap kina Dianne at Rodjun. Kung meron man, bahala na sila doon, ‘no.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply