Si Marquez ang panalo – Enrile

MISMONG si Senate President Juan Ponce Enrile ay naniniwalang si Juan Mannuel Marquez ang nanalo sa laban nila ni Manny Pacquiao sa Las Vegas kahapon.

Ayon kay Enrile, pinanood niya ang laban at sa Round 5 pa lang ay panalo si Marquez.

Gayunpaman, suportado ni Enrile ang resolusyon ni Sen. Lito Lapid na bigyan ng parangal si Pacman bunsod ng kanyang ipinakitang determinasyon para makamit ang tagumpay laban kay Marquez.

Para naman kay Sen. Tito Sotto, mataas lamang ang expectation ng nakararami kay Pacman kaya’t lumalabas na hindi convincing ang kanyang panalo kay Marquez.

Hati pa rin ang boxing fans sa naging tagumpay ni Pacman bunsod ng kontrobersyal na majority win matapos na hindi nito napabagsak ang Mexican boxer matapos ang 12 round.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply