Sibakan blues sa BID bukulan ang dahilan

HALUKAYIN natin ang mga nangyayaring kababalaghan sa Bureau of Immigration na pinamumunuan
ni Comm. Ricardo David.

Alam ba ninyo na may  ‘martial law’ ngayon sa BID dahil sa ipinatutupad ni David na ‘stop’ lahat ang pagpoproseso ng mga BID document ng mga “alien” na nag-aaplay ng TRV at residence
visa.

Ayon sa source ay aktibo ngayon ang grupo ng  MAGDALO soldiers na bitbit ni Comm. David sa Immigration sa panghuhuli sa mga illegal alien.

Ang siste, kamakailan lang ay napag-alaman natin na si-nibak ni Comm. David si PNP Supt. Lino Calingasan sa Immigration dahil sa binukulan umano niya si David sa mga iligal na huli niyang iligal na mga bumbay at iba pang mga paparating na mga bumbay nang hindi alam ng nasabing komisyuner..hehe.

Sa tuloy-tuloy na paglilinis ni Comm. David sa Immigration, kasama sa mga sinibak niya si Atty.Felino Quirante, hepe ng Administration.

Ang masakit pa nito, bukod sa pagkakasibak kay Atty. Quirante ay itinapon pa siya ni David sa Department of Justice  (DOJ).

Napag-alaman pa natin na ito palang si Quirante ang nagbibigay ng buwanang  “payola” sa mga DOJ Prosecutor para hindi maimbestigahan ang mga katiwalian sa BID pati na sa grupo na namamahay sa BID na tinatawag na BID MAFIA Syndicate. (ITUTULOY)

TONG-COLLECTOR NG CIDG CAVITE

Bilib ako sa karakas nitong si PO3 Garcia ng CIDG Cavite Sector.

Kaya pala hindi masulot-sulot ninoman ang pagiging “Dakilang tong-collector” ni PO3 Garcia sa CIDG sa Cavite ay dahil nagla-lobby raw ito sa sinomang naka-upong opisyal.

May nakalaan siyang perang pang-abono para sa kanyang pagla-lobby.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply