Sibakan sa BID dahil sa sangkatutak na anomalya

ITULOY natin ang ginagawa nating pag-expose sa mga nangyayaring katiwalian sa Bureau of Immigration sa ilalim ng liderato ni Comm. Ricardo David.

Alam niyo ba na sinibak din ni Comm. David sa serbisyo sina Intelligence Agent Andy Maca Ayan at Agent Simeon  Eleria dahil sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito?

Kasama rin sa mga sinibak ni David si Faizal Hussein, chief ng Intelligence, kasabay ng pagpapatapon sa kanya sa Department of Justice.

Kasama niya si Atty. Felino Quirante, dating chief  ng Admin, na pinalitan naman ni Gen. Alberto Braganza bilang acting ng chief ng Admin.

Dahil sa pagkakasibak ni Quirante sa BID ay idinemanda niya  sina Comm. David at
Associate Comm. Sigfred Mison sa Ombudsman.

Ang isa sa mga dahilan ng pagkakasibak ni David kay Quirante ay dahil siya ang responsable sa pagkakasibak sa  maraming empleyado ng BID na tumestigo laban sa katiwalian niya at nag-ex-pose sa sindikato sa BID na kinabibilangan ng BID Mafia Syndicate.

Marami ring empleyado na sangkot sa iba’t ibang kaso na may suspension order at dismissal order ng DOJ at Ombudsman na  ayaw iimplement ni Quirante.

Ito’y dahil sa may buwanang ‘payola’ siyang natatanggap sa mga ito.

TONG-COLLECTIONS ‘DI MAPATIGIL

Balikan natin itong si PO3 Garcia, ang dakilang bagman/collector ng kapulisan ng  Cavite.

Walang ipinagmamayabang si PO3 Garcia kundi malakas siya sa amo niya na si PNP-Cavite PD Supt. John Bulalacao kaya hindi siya matitinag na bagman/collector nito sa Cavite.

Si PO3 Garcia ang umano’y pinagkakatiwalaan ni Supt. Bulalacao pagdating sa tong-collection sa vices gaya ng bookies ng STL, Lotteng, Vk, sakla at mga peryahan na ‘pronta’ ng iligal na mga pasugalan sa lalawigan.

Gen. Bartolomeee!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply