Sibilyan na naipit sa giyera babayaran ng gobyerno

SAKALING maisabatas ang panukalang Civilian Compensation Act na inihain ni Sen. Manuel “Lito” Lapid, kailangan bayaran ng pamahalaan ang lahat ng sibilyan na naipit sa sagupaan ng militar at rebeldeng grupo.

Base sa Senate Bill No. 949, sinabi ni Lapid na kailangan bayaran ng gobyerno nang hindi hihigit sa isang daang libong piso ang bawat pamilya na naipit sa sagupaan tulad ng mga residenteng umaalis sa kanilang lugar sanhi ng sigalot.

“Sa mga bakbakan sa Mindanao, libu-libong sibilyan ang kinakailangan pang lumikas at iwan ang kanilang kabuhayan at pangakraniwan, may namamatay kasya’t nararapat lamang na bigyan sila ng kumpensasyon,” ayon kay Lapid.

Aniya, sakaling may namatayan sa isang pamilya na naipit sa sagupaan, kailangan magbayad ang pamahalaan ng hindi hihigit sa isang daang libong piso.

“Babayaran o ire-reimburse naman ng gobyerno ang magagastos ng mga sibilyan sa pagpapagamot kapag nasugatan pati na rin ang halaga ng mawawala nilang kita at tirahan,” paliwanag ng senador.

Kung maisabatas, tatawagin itong Civilian Compensation Fund na pangangasiwaan ng Commission on Human Rights.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply