Sigalot sa Korte Suprema

NAHAHARAP na naman ang Supreme Court sa isang kontrobersiya na malamang na pagdudahan na naman ng marami.

Ito ay ang kaso ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ng mga Cojuangco na ang pinakasikat ay sina dating Presidente na si Cory Cojuangco Aquino at ang kanyang anak na si Benigno Aquino III, ang kasalakuyang Pangulo ng bansa.

May mga nangangamba na matalo ang Hacienda Luisita sa usapang ito dahil ang karamihan ng mga justice ng Supreme Court ay hinirang ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Alam naman ninyo na bagaman at si Gloria ay appointed lamang ni Tita Cory noong siya ang pumalit kay Apo Ferdinand Marcos ay naging hindi maganda ang kanilang pagtitinginan nang si Gloria na ang President.

At lalong uminit ang iringan ng dalawang panig nang si President PNoy na ang umupo sa Palasyo at halos magbuhat noon ay laging talo na ang ating President sa Korte Suprema.

Lumala pa ito nang mag-issue ng temprorary restraining order ang Supreme Court laban sa Department of Justice para makabiyahe ang mga Arroyo sa ibang bansa sa kabila ng plano ng DOJ na kasuhan sila ng katakot-takot na kasong kriminal.

Sa marami pang mga kasong nakabinbin sa Korte Suprema, alin kaya ang mananaig, si Gloria ba o ang katotohanan?

Hindi ko sinasabing si Gloria ay victim of injustice pero hindi natin maiwasan na pagdudahan ang hustisya ng mga justice dahil nga sa karamihan sa kanila ay mga appointed ni madam Gloria.

Kung ganoon at kung laging panalo si Gloria sa Supreme Court, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan?

Impeachment ang tawag diyan upang matanggal ang  justices na bumoto dahil lamang sa pro-Gloria sila, pero masalimuot na proseso ito.

Ang Congress ang mag-de-decide kung dapat bang ma-impeach ang mga justice pero tandaan ninyo na tulad ng Supreme Court, ito ay kinabibilangan ng “mga tao lamang.”

Paramihan ito ng boto at halos wala itong kinalaman sa katotohanan at sa hustisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply